Propesyonal na Online na Serbisyo sa Pagsasalin

Filipino Translation Services

Nag-aalok ang ProofreadingServices.com ng propesyonal na mga serbisyo sa pagsasalin mula Ingles tungong Filipino, mula Filipino tungong Ingles, at iba pang mga pares ng mga wika. Bagaman kilala kami sa mga serbisyo namin sa proofreading at pag-eedit sa Ingles para sa mga akademiko, naghahanap ng trabaho, at awtor sa buong mundo, ipinagpapatuloy ng serbisyo namin sa pagsasalin ang aming komitment sa de-kalidad, abot-kaya, at pambihirang serbisyo para sa mga kustomer.

Makipag-ugnayan sa amin para sa quote sa pagsasalin.

Ano-ano ang mga serbisyo sa pagsasalin na inaalok nami?

Nais mo bang makapaglathala sa isang bansang gumagamit ng Ingles, sa mga diyornal na nasa wikang Ingles, o iba pa? Nag-aalok kami ng pagsasalin mula Filipino tungong Ingles na may hiwalay na proofreading na isinasagawa ng aming pangkat sa Ingles.

Gusto mo bang mabasa ng bilyong taong hindi nakapagsasalita ng Ingles ang iyong likha? Nag-aalok kami ng pagsasalin mula Ingles tungong Filipino, Flemish, Traditional Chinese, at marami pa.

May espesyalisasyon kami sa …

  • Pagsasaling pang-akademiko. Ipaubaya mo sa pangkat namin ang pagsasalin ng iyong mga artikulo sa diyornal, papel pampananaliksik, disertasyon, at tesis mula Filipino tungong Ingles o mula Ingles tungong Filipino tumaas ang posibilidad ng paglalathala at mas marami ang maabot ng iyong akda.
  • Pagsasaling pangnegosyo. Susi sa paglago ng iyong negosyo ang pagsasalin ng website, mga blog post, kagamitan sa marketing, at iba pang bagay na pangnegosyo—kikita ka nang mas malaki dahil dito.
  • Pagsasaling pampanitikan. Pinaghirapan mo ang iyong manuskrito, ito man ay nobela, memoir, o dulang pampelikula. Higit na dadami ang iyong mga mambabasa sa pamamagitan ng propesyonal na mga serbisyo ng mga taong tagasalin at maaaring magkaroon ka ng global na mga mambabasa na masisiyahan sa mga akda mo.

Sa ProofreadingServices.com, nakapagsalin na ang aming pangkat ng mga dalubhasa sa wika ng libo-libong dokumento para sa mga nasiyahang kustomer sa mga Lungsod ng Quezon, Maynila, at Lungsod ng Davao at sa buong mundo. Hindi tulad ng ibang mga kompanya sa pagsasalin, nag-aalok kami ng proofreading sa Ingles kasama ng aming Filipino-tungong-Ingles na serbisyo sa pagsasalin para matiyak na parang isinulat ng katutubong tagapagsalita ang isinalin na mga dokumento.

Sino kami?

Ang mga tagasalin sa ProofreadingServices.com ay may kaalaman at karanasan sa tumpak na pagsasalin ng iyong akda habang pinanatili ang iyong boses at estilo. Dahil dalubhasa sa iba’t ibang larangan ang mga tagasalin namin—mula ekonomiks hanggang pisika—itatalaga ang iyong proyekto sa isang miyembrong pamilyar sa iyong larangan. Kaya kung kailangan mong ipasalin mula sa o tungong Ingles ang postgraduate na personal na pahayag, aklat pambata, o aplikasyon para sa fellowship, maaasahan mo ang aming pangkat ng mga Filipinong tagasalin para matiyak na de-kalidad ang pagsasalin ng iyong proyekto.

Bakit dapat piliin ang aming serbisyo sa pagsasalin sa Filipino?

Sa ProofreadingServices.com, pinadadali namin para sa mga manunulat sa buong mundo ang pagkonekta sa mahuhusay na mga tagasalin at proofreader sa Ingles. Ang aming abot-kaya at tumpak na mga serbisyo sa pagsasalin para sa mga negosyo, akademiko, at awtor ay makatutulong sa iyo na magkaroon ng mga bagong mambabasa at makalahok sa pandaigdigang merkado, ano man ang wika o paksa. Ipinagmamalaki namin ang mataas na mga pamantayan ng kalidad na naaabot ng aming mga propesyonal na tagasalin, at tinitiyak namin na masisiyahan ka sa aming serbisyo.

Makipag-ugnayan sa amin para sa quote sa pagsasalin.